Oh! Asingan…
a poem by Archie Macanas, an Asinganian residing in LA
A partial view of the KETEGAN near the Asingan-Urdaneta boundary..Very familiar scenery, telling you that at last you have reached Asingan once more..The mountain in the background - the foremost one - is the elevated range facing Sison. There was a cement factory on its base at one time...
****
Salamat sa iyo Asingan ang bayang aking sinilangan, Sumapit na naman ang pilihan ng pinuno ng bayan.
Dahil sa iyo’y palad ko’y puno ng suhol at bibig ko’y nabahiran sa mga katas nila at sikmura ko’y pansamantalang may karga, lahat na ito’y galing sa kanila sa mga taong naghahangad na mapili sila.
Ako’y isang tunay na anak ng Asingan, isang dukha lamang pero hindi mangmang.
Ako’y kilala lang tuwing ako’y kailangan, ngayon ang panahon na ako’y kailangan
Sapagkat kapanahunan na naman ng halalan.
Ako’y naging tuso rin na tulad ng iba, nagkunwari para kahit papano’y
Makatikim sa mga naglilipanang salapi nila
Ako’y nagtataka sa dami na katulad kung dukha ngunit salapi nila’y nagkasiya.
Oh! Asingan, huwag kang mabahala babala’t suhol nila’y sa akin ay hindi mahalaga.
Araw at gabi ako’y nababagabag ngunit hindi alintana dahil mahal kita
Pag-aaralan kung mabuti kung sino sa kanila ang karapatdapat na mapaglingkuran ka.
Ipinapalangin ko sa maykapal na sana lahat ng anak mo ay maronong magmahal para sila’y magka-dangal
Sana’y mabuksan ang puso’t isipan ng isa’t isa para sa susunod mong mga anak ay magka-isa.
Mga anak ng Asingan saan man kayo naroroon ikaw ay kailangan mga tinig ninyo’y mapaking-gan
Malayo ka man at malapit din kayo ay bahagi pa rin ang bayan natin.
Kahit sa tagal na wala ka sa atin kung tuwing sa pag idlip mo’y nasa atin
hindi mo maipag kaila na taga ka pa rin sa atin.
Ohhhhh! Asingaaaaaaan! Sana mahalin ka ng mga anak mong nawawala,
Sana’y magbago na sila para ang mga anak mong nababahala’y makauwi na.
*****
another comment from Longwaybye
( on the article of SS)
If we go by the surveys for this year's election, ganun pa rin. Name recall, money, popularity and kamag-anakan still are the determinants of an election. Heard of the slaying of san carlos mayor? Rumor has it that another politician paid 2M for his head. The reason? That 2M was a symbol kuno of the 2M that he paid the slain mayor in exchange for campaigning for his congressional bid. It is said the slain mayor took the money but endorsed another.
What will it take to get a person to vote for someone who has no history of violence, who looks down upon owning a gun for "protection" kuno, etc? For a person who will fight it out in the halls of congress, or the city council but who will look at killing as below him? I remember a young colonel, a PMA grad, who doesnt pack a gun even when in uniform, saying, 'medyo barbaric kasi ang baril, it is beneath me. he knows a lot of VIP have their faces taas noo carrying a gun or having private armies, but he just laughs saying, 'nasa breeding minsan kasi, Ive been taught by my father that pag inasa mo lahat sa baril (and force, money) hindi yun kasikat-sikat.
Where can you find a man like that willing to run for office? Nada, mahirap ma-talbog ang naka-ugat na. Even that colonel retired early, and went to manage his own grocery store.--#
No comments:
Post a Comment